Saturday, October 29, 2011

49 Days a.k.a PURE LOVE [In Tagalog Spazz]

Sa una, di ako aware na may 49days pala sa ABS-CBN. Ang akala ko nga kapareho lang siya ng mga Korean dramas out there. Di pala!!! T^T Bigla lang ako na-curious sa drama nung pinakita yung scene na umakyat sila Dianne & Kayla sa bundok. Pero di ko inaasahang iiwanan pala ni Kayla nang magisa si Dianne dun. :( Sabi ko pa nga "Kwento na naman 'to ng mga kontrabida sa buhay ng bida". 


Nagtuloy-tuloy ako sa panonood hanggang sa di ko na nga siya binitiwan. Nagsimula kasi yun sa aksidente ng Dianne na naging kaluluwa na lang matapos ang matinding aksidente na nangyari sa kanya dahil kay Ysabelle. Mas naging curious ako nang dumating sa scene na yun ang isang gwapong lalake na animo'y human! :DD Yun pala kaluluwa na rin. :DD Nagtaka nga ako kung papaano naman nya kaya nasalo si Ysabelle kung gayun namang patay na pala siya. hahahahaha!!! :DD Oh well, drama lang naman yun eh!! hehehehe!! XDD In real life, wala namang kaluluwang sasalo sa mga human kung nasa panganib ito. :DD
Unti-unting naging malinaw sa akin ang kwento nang simulan ni Dianne gamit ang katawan ni Ysabelle, ang unang misyon. At yun ay mangolekta ng mga "luha" na di galing sa kanyang mga kadugo o relatives. Pero habang nasa gitna siya ng paghahanap, di ko rin inaasahang dun pala magkakaroon ng "twist". Una kong nalaman na may relasyon pala sila Kayla & Raymond habang walang kaalam-alam si Dianne. Mas lalong tumindi ang kanilang pagiibigan nang tuluyan nang na-coma ang bida. :( Above all, ang kanilang paghihiganti kay Dianne na walang karason-rason. Pangalawa, ang pagbabalik ni Dave para lang kay Dianne. Unfortunately, bago pa man na-coma ang bida, na-engage na sila Raymond & Dianne. I know how it disappoints Dave pero kelangan nyang i-set aside ang feelings nya for Dianne since they can't be lovers nga. Tsaka napagtanto ko rin sa bandang huli na kaya pala hinahanap ni Dave si Dianne ay dahil may gusto na pala ito sa bida!! :DD Pangapat, ang babaing sinasapian nya pala ay nagngangalang Ysabelle Song at kasintahan ni "Scheduler" a.k.a Song Yi Kyung/Jake Song! Sa una, nahihirapan siyang maghanap ng ebidensya pero nang mapagtanto nyang may kinalaman pala sa nakaraan ni Ysabelle si Jake Song/Scheduler, naging malinaw na rin sa kanya ang lahat. Pero ang mas nakakalungkot sa lahat ay ang pagkamatay ni Jake Song 5 years ago raw after their 18 years of relationship. It hurts me talaga!!! T^T Among the couples here, mas gusto ko ang SONG COUPLE. I don't know kung bakit nga ba pero tinatamaan ako eh. :(( Pang-lima, ang tangkang pagagaw ni Raymond sa kumpanya na pagmamay-ari ng mga magulang ni Dianne. But he didn't succeed before Dianne woke up. ;DD Oh yeah!!! \(^_____^)/ Minsan na ring bumagsak ang kumpanya pero nagawan naman ng paraan ni Dave. Si Dave talaga oh!!! :DD 2nd to the last, ang operasyon ng ama ni Dianne na una'y ayaw gawin pero nagawa rin ng matiwasay at matagumpay. And the last but not the least, ang pagpapakita ni Jake Song kay Ysabelle Song. One day lang yun at kelangang sulitin ika nga. Nagdate sila kiangabihan, inayos ni Jake Song and kwarto nya at natulog sila together! And ang mas nakakakilig sa lahat ang "teomporary" engagement nila. :) Ngunit kelangang magpaalam sa bandang huli. Naging maganda naman ang last day nila as a couple, Jake Song should move on as well as Ysabelle. :( Yun na nga, nangyari ang ayaw kong paalam ni Jake kay Ysabelle at mas lalong nasaktan puso ko nang itapon ni Jake ang mga singsing at pagtalikod nya kay Ysabelle. :'((( Nung namatay na si Dianne, nalaman kong magkapatid pala sila ni Ysabelle!! @.@ Nagulat ako nang mabasa ko ang revelation na yan sa ibang site bago pa man nangyari ang huling pagkikita nila ni Jake. Danica pala ang tunay na pangalan ni Ysabelle. :)) Pero nakalimutan na siya ni Dianne nang lumipas ang mahabang panahon ng pagkawala nya. :( And Dianne didn't get the chance to know her as her lost sibling. :( Good thing, Ysabelle/Danica has a kind heart and open siya sa revelation na yun. :) Di siya nagalit pero nalungkot at nagsisisi siya. Ganun pala katindi ang tadhana!!! @.@ Di mo alam talaga kung sino-sino ang makakasalamuha mo at ano ang magiging impact nila sayo.

Ini-expect ko sa ending ng dramang 'to ay may BTS na ipapakita gaya ng mga ibang Korean dramas out there pero di pala!!! T^T Basta ang mahalaga naman sa akin ngayon ay ang enjoyment sa panonood, lessons from the said drama at ang tamang pagtanaw ng utang na loob sa isang taong minahal ka. :) How I wish meron akon kaibigang tulad ni Dianne, kapatid tulad ni Ysabelle/Danica, kasintahan na tulad nila Dave & Jake Song! :)

To all the cast & production members of this drama, I would like to say THANK YOU for creating such a good drama!! See you on your next project together!!! ^^

No comments:

Post a Comment

Post Your Comments Here