NOTE: This is in TAGALOG spazz. I can't express well my feelings if I used ENGLISH here. Sorry for my English readers. :( Don't worry, I "might" translate this into English soon. Just give me more time, ok?? :))
Gaya ko, maraming mga taong nangarap din minsan na makakita ng mga "favorite artists" nila. Subalit, dahil sa katayuan ng iilan sa atin, sapat nang makita nila ang kanilang mga idolo sa TV. O kaya naman, kung susuwertehin, dinudumog nila ang pagbisita ng kanilang mga idolo sa kanilang lugar. Mas magandang paraan nga naman yun, di ba? :) Sa buong buhay ko, iilan lang din naman na "national" artists ang nakikita ko. Pero mga Asian fandom ko? NEVER IN MY LIFE PA TALAGA!!! TT^TT Not until, me and my husband decided into something unforgettable.
OCTOBER 6, 2011: This is just an ordinary day for me since lagi naman akong nasa condo while my husband is working outside. In fact, fangirl ako. Part na ng pagiging isang "fangirl" ang magbabad lagi sa Internet. So swerte nga naman ang pagbubutis ko, di ba? At least, naging mahaba-haba ang aking oras sa pagi-internet. Higit sa lahat, walang sagabal! :) So let's continue.
Aside from being a Korean Pop fangirl, maka-Japanese stuffs fan na rin ako. Nagsimula kasi ang lahat nang makilala ko ang nagiisang TATSUYA FUJIWARA of Death Note and Battle Royale series. Sa araw na 'to, while browsing Tokyohive site, nakita ko ang kanyang kauna-unahang "press conference" for his KAIJI 2. Siyempre, biglang naexcite ako dahil nalalapit na nga ang KAIJI 2 nya. :) Kumbaga, kung sa music video, may teaser photos muna siya. Eto naman, teaser na yung "press conference" nya along the other main casts. :DD Paguwi ni husband, I told him about this press conference. Eh di siya rin, tingin din. Pero bago pa man umabot sa kaalaman namin ang tungkol dito, September palang, alam na naming may gaganapin siyang isang "fanclub" meeting sa Singapore. Nagkaroon kami ng "Plan A" at yun ay pumunta ng Singapore. Unfortunately, when I shared this to LJ Community for Tatsuya Fujiwara, MOST of the members advised me na hindi pala ganun kadali yun! We have to REGISTER first sa fanclub nya using OUR JAPANESE ADDRESS!!! >.< Eh, di naman kami Japanese and wala naman kaming Japanese friend na super close to us and will help us kaya we cancelled this plan. :( So, ako na naman yung nalungkot. TT^TT Akala ko libre lang yung fanmeeting na yun. :((
Two weeks after, we've created another plan which is "Plan B". This plan covers our Japan's visit for three days. Actually, ang pagbisitang 'to ay bakasyon lamang since si hubby ay may trabaho sa darating na Nov. 2. Not until, one day, nagpaalam siya sa akin na pupunta siya ng Bulacan kasi may emergency raw. So, ako naman, pumayag na pumunta siya roon. Totoo namang may emergency since tumawag sa akin ang mother-in-law ko. Wala akong nagawa but to let him. :( Then, ako na naman ang magisa dito sa condo. Two days lang siya dun. Pero nang bumalik siya, he handed me his passport! O.O Tapos sabay ngiti pa!! >.< Ang naiisip ko kasi pupunta siya ng ibang bansa. So ako naman yung medyo disappointed. Lagi naman kasi akong iniiwan eh. TT^TT Nang malaman kong 2 pala yun, natuwa ako bigla. :) Kasi naman inamin nyang kaya siya pumunta ng North ay para asikasuhin na yung mga passport namin. At hindi naman daw talaga totoo yung pupunta siya ng Bulacan. Kakuntiyaba lang nya nanay nya para mapaniwalaan ko siya. Hmmmmmm.... Mukhang alam na nga nila na di ako papayag na aalis si hubby nang walang sapat na rason. :DD hehehehehe~!
October 31, 2011: Umuwi muna ako sa amin habang si hubby ay nasa condo. Pumunta kami ni mama sa Daraga, Albay para bisitahin ang puntod ng lolo ko sa Pristine. Nagmadali nga kami ni mama dahil ang alam namin lahat pupunta na sa araw na 'to. Ngunit di pa pala! Kinabukasan pala raw yun!!! TT^TT
November 01, 2011: Nasa Pristine na kami pero 3 pamilya lang ang dumalo. May mga nangyari pang di namin inaasahan like yung tumumba yung isang bote ng tubig dun sa sinakyan naming van para sa buong LOPEZ family, late na pagdating namin sa Pristine at ang malakas na pagulan. TT^TT Pero di kami nagpatinag sa mga "unexpected" things na 'to. Bagkos, we still continue our byahe. Pagdating dun, kami palang na nasa van ang nakarating. Not until maya-maya, dumating na rin ang 2 pang kotse ng relatives namin. Ayun, kwentuhan lang. Pero by 4pm, umalis na kami ni mama. We really have to go kasi back to work na siya kinabukasan. Ako naman balik condo na para bumiyahe naman papuntang Bulacan.
November 03, 2011: Maaga kaming umalis ng Bulacan lulan ng van ng pamilya ni hubby. Kasama din namin si mother-in-law and his sister. Driver? May driver sila!!! ^^ Daldal ng sister nya. XDDD Lagi nyang nire-remind kami ni hubby about her pasalubong. Tinigilan naman siya ng mama nila dahil nakakahiya naman daw ang ginagawa nya. Eh di ako naman yung biglang napangiti. Ang cute-cute niya eh!!! :DD hehehehehe!!!! Ilang oras din ang byahe namin papuntang NAIA. Pagdating dun, biglang sumimangot sister ni hubby. hahahaha!!! Ini-expect na rin kasi nya na balang araw ay siya naman ang kasama ng kanyang kuya sa ibang bansa. Oh well, ako yung nauna eh. hahahahah!!! XDDD
Nakarating kami ng Japan mga hapon na. Actually, direct flight to Nagoya ang nakuha ni hubby since puno na raw yung sa Tokyo. Pagdating namin ng Nagoya, sumakay kami ng tren after our rest sa isang hotel papuntang Tokyo. Umabot siya 4 hours mahigit. Someone told us na dapat sana raw ay car na lang kami. Pero since di pa ako nakasakay ng tren (xDD), pinagbigyan na lang ako ni hubby. Ok!! Di naman siya nakakalula pero mukhang nahilo ako paglabas. XDDD hahahahah!! Sa mga bus nga eh hilong-hilo na ako. How about kung sa tren nga naman, di ba?? :DD Ayun nga't gabi na kami nakarating sa hotel namin sa Tokyo. Pagkatapos ng konting pahinga, kumain kami sa isang restaurant doon at naglakad-lakad na rin. Then, balik ulit sa hotel. Sa araw na 'to, wala pang masyadong maganda except those scenic places na pinuntahan namin.
November 04, 2011: Maghapon lang kami ni hubby naglakad-lakad. Pero yung ecitement ko within, di ko na talaga mapigil dahil sa nakita kong large banner ng KAIJI 2 sa isang movie theater. Pak!!! Ako na talaga yung nabaliw nang sobra-sobra. Si hubby naman, natatawa na lang sa akin. Sabi pa nya, hanggang tingin lang ako kay Tatsuya dahil kasal na ako sa kanya. Sabi ko, weh??? XDDD hahahahahah!!!! Kung tutuusin nga naman, mas minahal ko talaga si hubby kesa sa mga fandoms ko. ^^ At yun nga ang totoong pagmamahal. ^^
Tanghali na, di pa kami nagpatinag sa kalalakad. Dumaan kami ng Horipro building. Shet, ang laki nya!!! TT^TT Bigla ko na naman naisip si Tatsuya. :DD Tapos on the way pabalik, mukhang may nakita akong isang Nino. @.@ Nadaanan siya ng mga mata ko. As in, yung mukha at mata nya, Nino tslaga!! Pero naka-skull cap siya. Di ako masyadong familiar kay Nino na naka-skull cap na ganun. @.@ At heto pa, medyo duda nga ako kasi nahagip lang naman siya ng mga mata ko eh. Sinabi ko nga yun kay hubby eh. Pero si hubby di naman nakita yun kaya medyo nahirapan din siyang maniwala sa akin. Tsaka sa laki ng Tokyo, di naman daw basta-bastang makikita ang mga artista. (Yun ang akala mo!!!)
Evening time na!! :) Super gutom na ako since umaga palang lakad nang lakad kami. :DD Sa isang restaurant na di ko rin alam basahin ang name nya ay bigla kaming napahinto sa pagkain nang makita namin mismo ang mag-asawang Matsuyama-Kato. Medyo may kalayuan sila pero natatandaan ko mga ngiti nila. Promise!!! Tapos si hubby naman panay ang "giggling" sa likod ko. Kung ano-ano pa ang mag pinagsasabi. XDDD Di naman ako na-annoyed. Bagkos, nakagawa pa siya ng paraan para patawanin nya ako. XDDD hahahahaha!!! Para siyang bata eh. :DD Sabi ko nga, sa kahit anong sulok pala ng Japan, makakakita rin naman ako. Ebidensya na yung nakita namin sila sa restaurant na yun. hahahahahaha!!! Eh di siya ang talo!!! XDDD
November 05, 2011: Nagising kami nang maaga para makakuha agad ng tickets sa KAIJI 2 premiere night. Saktong dun sa pa sa theater kung saan gaganapin talaga ang road show ng KAIJI 2 nakabili ng ticket si hubby. Mahaba kasi yung pila nya kung pupuntahan mo pa ang loob nya. Sa labas kasi, aakalain mong konti lang kaming bibili. heheheheh~ Yun pala, ke habang linya!! :DD Hapon ang nakatakdang oras ng premiere night nya. So, lakad-lakad muna kami matapos naming makuha yung ticket. Sa gitna ng paglalakad namin, may isang lalaking bigla na lang kami sinigawan at tinutukan ng kutsilyo. Umawat si hubby para di ako masaktan at ang baby namin. Marami ang nakakita sa amin dun. Good thing, may kaibigan kami dito sa Pinas na pumunta rin ng Tokyo. Couple din sila at nagbabakasyon din dun. Sila ang humingi ng tulong sa mga pulis. Pero bago pa mang makarating ang mga pulis, kumaripas na ngtakbo ang mamang yun. Tinanong ako pagkatapos kung ok lang ba ako. Sabi ko ok lang kako pero muntik nang ma-depress sa nangyari. May plano ngang dalhin ako sa hospital. Sabi ko naman, sapat lang ang dala naming pera which is true.
Gusto sana ni hubby pumunta na muna ng hotel kaya lang I reminded him about sa mga bibilhing pasalubong. Nagpasalamat na lang kami sa mga kaibigan at dumiretso na lang sa isang make-up & accessories store. Yung make-up store, para siya Etude house. :) As in, daming mga make-up. At purong make-up lang talaga siya! Bumili nga ako ng isang eyeliner at mascara dun pero di ko mabasa ang name ng product na yun. At dun naman sa accessories store, marami-rami din ang binili namin. :) Para yun sa sister in law ko. Pambawi sa kanya. :DD Inabot kami hanggang tanghali dun at pumunta na rin sa isang restaurant na di ko talaga alam kung papaano ko babasahin din ang name nya. >.< Hay ewan!!! Kung sa Korea lang siguro kami, makakabasa ako kahit di ko man lang maiintindihan. At least, nababasa ko. >.< As usual, after kumain, naglakad-lakad ulit kami hanggang 1:30pm. By 2pm kasi, need na naming pumunta dun sa road show ng Kaiji 2. Pagpasok namin, daming tao talaga. Buti na lang, may mga seat number yung ticket namin. :) Naupo kami sa bandang right pero malapit siya sa center part at sa unahan talaga kami. Alam ninyo yung set ng mga upuan sa sinehan sa bandang unahan bago sa likod?? Nandun kami!!! :)
Sa sobrang dilim, di ko na namamalayan ang oras. Hinintay ko na lang talagang lumabas sila Tatsuya. Grabe! 3 lang sa mga casts ang napansin ko. >.< Yun pala, may 3 pa!!! >.< Kung titignan ninyo ang video na 'to: http://www.youtube.com/user/horiprochannel#p/u/9/Y0RMQR11J9w 6 silang nasa stage. Yung lalakeng nasa left most at nasa 2nd to the right ay mga casts na nasa KAIJI 1 at muling nagbabalik for Kaiji 2. Yung tatlong casts from 2nd to the left hanggang kay Yoshitaka Yuriko are the 3 main casts of KAIJI 2. At yung lalakeng nasa right most, siya ata yung lalakeng unang nakalaban ni Kaiji Itou sa Kaiji 1. Yung sa paper, scissor and rock game. :) Siya yung guy na nagsabing "re-shuffle" at naka-salamin sa Kaiji 1. ^^
Sa sobrang titig ko talaga kila Iseya Yusuuke, Tatsuya Fujiwara at Yoshitaka Yuriko, di ko namalayan na 6 pala sila. Ang akala ko mga hosts yung nasa left & right most. XDDD Di pala! Tsaka nasa kalayuan kami. Di ba sabi ko nasa bandang gitna kami pero nasa malapit kami sa stage? Yun!!! 3 lang dun ang mga namukhaan ko. Saka ko lang nalaman na sila Tonegawa pala yung kasama nila Tatsuya nang makita ko na yung video nila from HoriPro channel. :) Tsaka wala akong suot na salamin sa mata kaya naging ganito na lang ang nasabi ko. Totoo naman!!! @.@ Nakalimutan ko kasing dalhin eh.
Kung tutuusin, mahaba-haba talaga yang stage greetings nila. Yang nasa link above, ay focus video lang kay Tatsuya Fujiwara. Lahat naman sila in-interview. At kung makikita niyo bago matapos yung stage greetings nila, may itinapon silang bola na kulay grey. We got only one since nagaagawan kaming lahat. Sa swerte nga naman, nakuha namin ni hubby yung kay Tatsuya. :DD Swerte nuh?! :DD Pagkatapos ng stage greetings nila, ginanap na yung main event, KAIJI 2 PREMIERE NIGHT!!!! \(^____^)/ So lahat kaming nasa theater na yun, maswerteng nakapanood ng KAIJI 2. ^^ weeeeeeee~
Ayoko munang magcomment about the movie dahil marami-rami pa ang di pa nakakapanood ng KAIJI 2. Once the DVD is out, better buy your own DVD na before it's too late. :) Basta ang naging reaksyon ko talaga, walang humpay na saya sa mga labi ko. :) Malaki ang pasasalamat ko sa hubby ko na nagbigay ng chance for me to see Tatsuya kahit di eye to eye at sa ticket ng KAIJI 2 para mapanood ang sequel. :) At heto pa!! Kung sa video aakalain mong ang papangit nilang lahat. Pero nagkakamali ka!!! Si Iseya na inakala kong pangit, eh gwapo pala at sobrang tangkad nya!!! Kasing height nya si Tatsuya. :DD Si Tatsuya naman, napaka-memorable sa akin mga nag-gagandahan nyang ngiti. :'))) Ang boses??? Pocha!!!! >.< Gusto ko siyang iuwi naaaaaaaaaaaaa!!!!!! >.< I really really love his voice. Sobra!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! :'))) At si Yoshitaka??? Super cute pero malandi!!!!! >.< Panay ang dikit kay Tatsuya pero I like her naman eh. :DD Nasa Tokyohive nga pala yung translation ng pinagusapan nila. :DD
Paguwi namin sa hotel, wala na ako sa katinuan!!! XDDD Parang inangkin na ako ng mga ngiti nila Tatsuya & Iseya!!! TT^TT As in, kahit yugyugin man ako ng asawa ko, di na ako gumagalaw. XDDD Heaven na heaven ang feeling ko!!! nyahahahahahaha!!!! :DDD
November 06, 2011: Ginising ako ni hubby ng 3am since ang byahe namin ay bandang 4am. Nagising akong sila Tatsuya & Iseya pa rin ang nasa isip ko. Sabi pa nga ni hubby, ang lakas daw ng tama sa akin ng mga yun. hahahahahah!!! Sa eroplano, panay ang tukso nya sa akin. XDDD Potek!!! Gusto ko nang makawala sa inuupuan ko nun. :DD Ang harot kasi eh!!! XDDD hahahahaha!!!! Pati nga yung pagdating namin sa NAIA, panay pa rin ang tukso nya. Pffffttttt!!! >.< AH basta~ Nagenjoy talaga ako!!! \(^_______^)/
TAKE NOTE: LEAVE A MESSAGE BELOW IF YOU ALREADY READ THIS POST AND CAN UNDERSTAND FILIPINO/TAGALOG. ^^ THANK YOU!!!!
ATEEEEEEEEEEEEEEEE..........
ReplyDeleteGrabe ka!! Ikaw na talaga!! Kahit di ko maintindihan yung iba, naiinggit na ako sa pagpunta mo ng Japan. >.< Bakit di mo ako kinuwentuhan about sa Japan escapade niyo?? Ang daya mo!!! Asan mga pictures?? Bakit wala kayong pictures??