First timer akong ina kaya ang dami kong expectations and very sensitive much. Not yet fully matured pero I enjoy every minute having a husband named Jerome who always look at me kahit may trabaho.
Now That I'm having a difficult times while carrying babies in my tummy, I honestly regret a little na nagapakasal ako sa maagang edad. Pero! It was my husband (again) ang nagparamdam sa akin na ang pagaasawa ay hindi puro paggawa ng pamilya. May mga iba't ibang gawain din naman na dapat isaalang-alang bago muna ang paggawa ng pamilya, di ba? Kaya nga I'm so lucky na kahit ganito ang nangyari, meron naman akong responsableng asawa kahit paminsan-minsan di ako tinitigilan asarin lalo na pagdating sa Super Junior. Yan kasi ang "common denominator" namin eh. :DD
O sha, ayokong mapahaba ang intro ko at gusto ko nang ikwento sa lahat kung papaano namin, ng asawa ko, nalamang I am having a twins. :)
Dun sa mga taong nakwentuhan namin about sa "one week" pregnancy ko, alam na ninyo kung papaano namin nalaman pareho na I'm pregnant na. So, we will go further. Nung gabing nalaman naming I'm pregnant, di pa matanto na twins pala ang anak namin dahil sa nag-bleed ako at di naman masyadong kagandahan dito sa probinsya ang mga gamit sa hospital like ultra sound. Pero nung nabigyan na raw ng mga bagong gamit, naging maayos na ang resulta. It was my 3rd month of pregnancy nang muli kaming nagpa-ultra sound. Dun na napagtanto ng doktor ko na twins pala ang nasa tummy ko. Kaya pala ang bigat ng pakiramdam ko nung 3rd month ko na. Parang 5th month na ang bigat. Siyempre, nagulat kami kasi neither of our families has no history or blood of a twins. Malamang na naman sa mga ninuno namin nagsimula yun.
Umuwi kaming tulala at sobrang di makapagsalita sa balita. Pareho kaming worried dahil di namin alam kung anong mangyayari pag nanganak na ako. Tsaka enough na sa amin na happy kami pareho dahil nagkaroon kami ng anak. Dati kasi iniisip naming baka matatagalan pa dahil sa kundisyon ko pero hindi eh! Ang bait ng Poong Maykapal!! :'))) Can't imagine the impossibles talaga!!! :')
Binalak kong ilihim muna sa both families and friends namin ang balita. Pero ako na uber excited na, nasabihan ko na ang ilan sa mga friends ko sa textclans and Facebook. Yun nga lang ika-4th month ko na nang i-reveal ko ang totoo!! \(^______^)/
Ngayon, ang gusto ko lang mangyari ay maging maayos sana ang panganganak ko by next year. God bless us all!! ^^ thank you for reading!!! :))
TAKE NOTE: Sinabi ko na rin sa Twitter na pag lalake & babae ang magiging anaka namin, ipapangalan namin sila after Kenichi Matsuyama & koyuki Kato-Matsuyama. :)))
No comments:
Post a Comment
Post Your Comments Here